Another Response To Tunay Na Lingkod (INC) On The Christology Of The Carmen Christi (Phil. 2:5-11)


"He emptied Himself"



By : Bro. Nathan 

So nandito nanaman tayo ano, sa mga maling unitarian views ng Inc (Iglesia Ni Cristo) at sa kanilang suspicious na bible interpretation. so may isang blog post si Tunay Na Lingkod INC patungkol sa isang verse sa Carmen Christi a.k.a Philippians 2:5-11, which reads :

"Ang dahilan kung bakit inakala ng marami na si Jesus ay Diyos ay dahil sa pagkakasalin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia.

Sa kaalaman ng LAHAT, Ito ay isang SALIN ng Biblia sa Filipino na pinagtulungang gawin ng mga iskolar na PROTESTANTE at KATOLIKO. Paano nila isinalin ang talatang Filipos 2:6-8? Isinalin nila ito batay na rin sa kanilang paniniwala na si Jesus ay Diyos at iniba ang nakasulat. Ganito ang laman ng talata sa MBB


“ Na kahit Siya'y tunay at likas na DIYOS, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus.” Filip. 2:6-8, MBB

Isinalin nila ang mga talatang ito sa paraang lilitaw na si Jesus ay Diyos. Kung hindi ka magsusuri ay talagang madadaya tayo, Inalis na nila ang salitang “NASA ANYO” . Anong maling turo ang ibinunga ng salin ng Filipos 2:6-8 sa Magandang Balita Biblia? Lumilitaw dito na dalawa ng Diyos: isang Diyos (Jesus) na hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, at isang Diyos na hindi pinagpilitang pantayan. Sinasalungat nito ang itinuro ni Jesus at ni Apostol Pablo na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos (Juan17:1, 3; I Cor.8:6).

Ikalawa, kung si Cristo rin ang Diyos, paano mauunawaan ang kasunod na talata sa Fil.2:9?

Sa talatang 9 ay nakasulat na si Jesus ay itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Malinaw na iba ang itinampok at binigyan sa nagtampok at nagbigay. Kaya iba si Cristo sa Diyos.

Kung gayon, ano ang tunay na nakasulat kung susuriin natin ang Greek ? Pansinin natin ang isang salin :


ΦΙΛΙΠΠΗΣΙΟΥΣ 2:6  ος εν μορφη θεου υπαρχων ουχ αρπαγμον ηγησατο το ειναι ισα θεω[Textus Receptus]

Kung babasahin po ay :

" os en MORFI THEOU yparchon ouch arpagmon igisato to einai isa theo. "

Pansinin po ninyo ang " μορφη θεου " na kung babasahin yan ay "morfi theo". Ang " Morfi" po ay FORM o anyo, at malinaw na ito ang kanilang binawas sa Biblia upang madaya ang tao. Nakakalungkot sapagkat marami na ang kanilang nadaya dito. Ano ang katumbas na salin? Narito ang isang salin na ANG BIBLIA :


Filipos 2:6  Na siya, bagama't NASA ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, [Ang Biblia]


Natitiyak natin na ang sinumang tagapangaral na gumagamit sa Filipos 2:6-8 bilang batayan sa pagtuturo na si Jesus ang tunay na Diyos ay nagkakamali ng pagkaunawa."

First of all, ang Magandang Balita Biblia na translation ay isang dynamic translation na which means ito ay thought for though or sinasabi nito ang meaning ng verse. at hindi ito form based. and second, ang mali dito ay tinawag niya ang Greek text na isang "salin" imbes na isang original text (ang Received Text o Textus Receptus ay isang edition ng greek text) at hindi ito translated from any manuscript kundi ito na mismo ang manuscript. ang ito din ang hirap sa mga INC na nakahanap na ng greek text at lexicon pero iniignore ang grammar and synthax. 

Ang Philippians 2:6 sa critical text ng Greek New Testament ay :

ὃς ἐν μορφῇ θεοῦ ὑπάρχων
οὐχ ἁρπαγμὸν ἡγήσατο
τὸ εἶναι ἴσα θεῷ, (Phil. 2:6) Nestle Aland 28

Ang  μορφῇ θεοῦ (morphe Theou) na isang Genitive Masculine Singular, in which ang translated form nito ay nagiindicate ng correspondence to reality, thus the phrase tells us that Jesus Christ was truly God. and second, ang deity of Christ ay hindi iniisplit ang One God dahil ang unity nila ay in purpose kaya sila tinawag na One God (Jn. 17:11-21; cf 10:30). 


"Si Apostol Pablo mismo ang sumulat na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” kaya hayaan nating siya rin ang magpaliwanag nito. Bakit niya sinabi na si Cristo ay “nasa anyong Diyos”? Sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos” sapagkat Siya ay larawan ng Diyos:



“…upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.” 
II Cor. 4:4 

"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita,  ang panganay ng lahat ng mga nilalang; " col. 1:15


Ngunit paano naging larawan ng Diyos ang ating Panginoong Jesucristo? Larawan ba Siya ng Diyos sa kalikasan? Hindi, sapagkat ang Diyos ay espiritu samantalang si Cristo ay may laman at buto (
Luk. 24:39 )."
Si Cristo ay larawan ng Diyos sa kaabanalan. Narito ang katunayan:

“Sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios:magpakabanal nga  kayo at kayo'y maging mga banal; sapagka’t ako’y banal…” [Lev.11:44]

Kung paanong ang Diyos ay banal, ganoon din si Cristo.


“Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis…” 
[Heb. 7:26]

Ang dahilan nito ay sapagkat si Cristo ay pinabanal ng Diyos:


“Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan…”[
Juan10:36]


Bagaman ang lahat ng tao ay nilikha ng Dios ayun sa larawan Niya [ 
Genesis 1:27], sa KABANALAN parin [Efeso 1:4], ay walang nakatugon sapagkat lahat ay nagkasala :

Roma 5:12, MB".....lumaganap ang kamatayan sa lahat
ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "

Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala
nga, at hindi nangakaabot sa
kaluwalhatian ng Dios; "

Dahil dito, napakalaki ng suliranin ng tao. Nawala siya sa pagiging KALARAWAN NG DIOS at nagkaroon na ng kamatayan, hindi lamang sa pagkalagot ng hininga, kundi ang IKALAWANG KAMATAYAN na kaparusahang walang hanggan sa dagat- dagatang apoy (
Apoc.20:14 )

MULING MAGING KALARAWAN
Upang maligtas sa parusa ay kailangang makabalik ang tao sa uring kalarawan ng Dios. Paano mangyayari ito? Dapat siyang maging katulad ng LARAWAN NG ANAK NG DIOS:

Roma 8:29 " Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid "


 Ito ay sapagkat si Jesuscristo nga ang larawan ng Dios.Colosas 1:15 " Na siya ang larawan ng Dios na di
nakikita, ang panganay ng lahat ng mga
nilalang "


Ayon sa Biblia, si Cristo lamang ang taong hindi nagkasala [
 Juan 8:40; 1 ped. 2:21-22 ]. Kaya Siya lamang ang nakatupad ng layunin ng Dios na ang tao ay maging kauri Niya (Dios) sa pag-ibig at kabanalan. Ang mga taong larawan ni Cristo, kung gayon, ang kalarawan ng Dios.

Ang Diyos at si Cristo ay kapuwa banal. Kung gayon, sa kabanalan “larawan ng Diyos” si Cristo, kaya sinabi ni Apostol Pablo na si Cristo ay “nasa anyong Diyos.” suriin naman natin ang binanggit din ni Apostol Pablo sa Filipos 2:6-8 na “di niya inaring pagkapantay niya sa Diyos.”    ganito po ang dahilan :


“Sinabi ni Yahweh, ‘Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makapapantay sa akin?”

“Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba.” [Isa. 46:5, 9, MBB] 


In here, iniignore nanaman ng blog author ang context ng Colosas 1:15. ang outline ng context ay 1. Ang kanyang relasyon sa Dios  (1:15) 2.Ang kanyang relasyon sa Creation (1:16-17) 3. Ang kanyang relasyon sa Simbahan (1:18).  ang greek ng verse 15 ay :

ὅς ἐστιν εἰκὼν τοῦ θεοῦ τοῦ ἀοράτου,
πρωτότοκος πάσης κτίσεως, (Col. 1:15) Nestle Aland 28

Ang phrase na εἰκὼν τοῦ θεοῦ (ekeion tou Theou) in which ang εἰκὼν ay isang nominative form at ang θεοῦ in a genetive form ay tumutukoy sa deity and therefore it talks about nature. 

Second, ang Nature ni Cristo ay hindi about composition and as we understood, ang "God is spirit" sa greek ay isang qualitative means it talks about qualities and not composition. 

Third, there is no one Holy but God (1 Sam. 2:2; 2 Sam. 7:22; 1 Ha. 8:23; Ps. 86:8; Is. 46:9; Jer. 10:7; Mt. 19:17). only a powerful deity will have the capacity to be perfect, and Christ is perfect (Mt. 3:12-17; Lu. 4:34; Acts 4:27; 2 Cor. 5:21; Heb. 4:14-15; 5:8-9; 7:26,9:14; 1 Pt. 2:21-22; 1 Jn. 2:1; 3:5). ang Holiness ni Jesus Christ ay natamo niya by the given Glory by the Father before He was born. ang glory na ito ay natatamo na niya before (see. Jn. 17:5, 24). 

And fourth, we should take note na ang isang tao ay walang kapasidad na iligtas ang kapwa niya tao (Awit 49:7) dahil nga diba ang tao ay nahulog and lahat ay nagkaroon ng capacity na magkasala. si Jesus ay walang capacity na magkasala dahil Holy na siya at perfect before He was born, and has the capacity to save (1 Jn. 3:5). no one can save the whole human race but God alone (Is. 12:2; 43:11). 

" Maaari bang may kapantay ang nag-iisa?   Kung may kapantay ang Diyos sa pagiging Diyos, lilitaw na hindi na Siya ang iisang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sasalungat na ito sa itinuturo ng
Biblia."

Nature ang pinantayan ni Jesus Christ sa Father at hindi sa roles (Jn. 14:28), at ang pagkapantay ng Anak sa Ama sa nature ay hindi pagtatake-over ng Anak sa sovereignity at supremacy ng Ama, for both the Father and the Son is Sovereign and supreme (Job 26:14; 42:2; Ps. 8:3-4; 147:5; Prov. 16:33; Is. 40:28; 45:7-9; 55:8-9; Mt. 10:29-31; Jn. 1:3; Col. 1:15-18; Acts 4:27-28; Eph. 1:4; Heb. 1:1-14; 2:1-4).

The Godhead alone is supreme and kaya nga si Yahweh/Jehovah ay binigyan ng title na "God of gods" para mabigyan siya ng supremacy (Dt. 10:17; Josh. 22:22; Ps. 50:1; 84:7; 136:2; Dan. 2:47; 11:36). kaya nga sa context ng Carmen Christi sa Filipos 2:5-11 ay naincarnate si Jesus Christ to show an act of humility hindi ba? 


" Suriin naman po natin bakit hinubad niya ito? ano ang HINUBAD niya?

Roma 8:3-4
" Sapagka't ang hindi magawa ng kautusan,  na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak  na NAGANYO LAMANG SALARIN at dahil sa kasalanan,  ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan"
" Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad  sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman,  kundi ayon sa Espiritu "

Ang sabi ng talata, sya ay nag anyong salarin, samakatuwid ang KABANALAN parin ang hinubad ni Cristo at nag anyong alipin o salarin. Bakit naman po siya nag anyung SALARIN? Ganito po ang ating mababasa


2 cor 5:21 " Yaong hindi nakakilala ng kasalanan  ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios."


Siyay ibinilang na makasalanan upang makipagkaisa tayo sa kanya at mapabanal sa harapan ng DIOS sa pamamagitan niya. Banal pa ba si Cristo dahil hinubad na niya ito? baka po matanung ng ilan. ganito po ang kasagutan :


Roma 10:36  "  Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios? "

Ang tanong para sa author ng blogpost, BAKIT BA BUMABA SI JESUS KUNG ANG EXISTENCE NIYA AY NAGSIMULA LAMANG SA WOMB NI MARY? MAHUHUBAD BA NIYA ITO KUNG NATATAMO NA NIYA ITO BEFORE HE WAS BORN? Bumaba si Jesus Christ dito sa earth at nagkatawang tao siya to :

1. show an act of humility (Phil. 2:5-11)

2. para ipakilala ang Ama (Mt. 11:27; Jn. 1:1-18; 5:19-36; 14:12; 17:25-26)

3. para magpakita sa atin ng halimbawa para mabuhay  (1 Pt. 2:21)

4. para ituro sa atin ang Ebanghelyo (Jn. 1:4-5; 8:12; Rev. 22:16)

5. and most of all, para magkaroon Siya ng pisikal na katawan para maranasan ang mortal na buhay at kamatayan para mailigtas ang sangkatauhan (Heb. 2:7-9; cf. Jn. 3:15-17). maging Siya ay isa din na spiritual na Anak ng Dios gaya natin (Jn. 1:18; 3:16; 20:17; cf. Acts 17:29; Heb. 12:9), ay kailangan niyang maranasan ang buhay at kamatayan na ito but for the purpose of giving redemption for mankind. 

" Banal parin po sapagkat siya nga ay pinabanal ng AMA na siyang nagsugo sa kanya.kaya maliwanag po na hindi mapanghahawakan ang talatang ito sa pagtuturong si Cristo ay Diyos. Maling pagkaunawa po sa talata."

Banal siya sapagkat ang glory na natatamo niya ay eternal at natatamo na niya ito at the side of Heavenly Father before His birth (Jn. 17:5, 24). the blog author explicitly misinterpreted the context of the verse. 



Popular Posts