Did Jesus Existed As A Plan Ayon Sa 1 Peter 1:20?

 


By Bro. Nathan


" Siya ay itinalaga na nang una bago itinatag ang sanlibutan, ngunit inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo." (1 Ped. 120) Ang Biblia 2001

Kadalasan na ginagamit ng mga Unitarians (like mga Inc) ang verse na ito para i-disprove ang pre-existence ni Jesucristo by saying na He existed as an idea o plano ng God the Father, at hindi existed as person. but ano nga ba ang sinasabi ng verse na ito kung babasahin natin in context?



The Passover Lamb At Ang
Atonement

Nirerecall dito ni Apostle Peter ang passover lamb na inutos sa mga Israelita para maiwasan ang angel of death na papatay sa mga firstborn nila. they spill the blood of the lamb without blemish at ipinahid sa kanilang mga pintuan to serve as mark para lampasan ito ng angel of death (Ex. 12:5-6). 

 " kundi ng mahalagang dugo ni Cristo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis." (1 Ped. 1:19) Ang Biblia 2001

Pinipili ang lamb na kakatayin. plinaplano kung papaano ito kakatayin. hindi basta-basta ang mga procedures na ito. tayo bilang mga Latter Day Saints, we understood na sa pre-existence ay pinili ni Heavenly Father si Jesucristo para maging ating Tagapagligtas (Alma 22:13; Moses 4:2; Abr. 3:27). Jesus was unique (Jn. 1:18) and was without blesmish (1 Jn. 3:5) at willing na isacrifice ang sarili niya (Fil. 2:5-11; Heb. 2:7-9) at tanging siya lamang ang may kakayahan na iligtas tayong lahat. ang plano ay hindi mismo si Jesucristo kundi patungkol kay Jesucristo at kung anong gagawin niya pagkababa niya sa lupa. 

Just like how niligtas ng dugo ng passover lambs ang mga Israelita mula sa kamatayan, same sa ginawa na pagbabayad sala ni Jesucristo para mailigtas tayo mula sa kamatayan (1 Cor. 15:22; Jn. 3:15-17), at sa pamamagitan ng kanyang dugo, tayo ay posibleng malinisan mula sa ating mga kasalanan (Heb. 9:22-28)

Popular Posts