Responding To A MCGI On The Translation Of Enoch




By Bro. Nathan



This op covers


1. The Nature of translated beings
2. The context of Hebrews 11:5/chptr. 11
3. Ang linguistics ng context ng Hebrews 11:5
4. Ang maling interpretation ng mga MCGI sa Bible











The verse reads :


"Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:" (Heb. 11:5) Ang Dating Biblia 1905


" Sa pananampalataya si Enoc ay dinalang paitaas anupa't hindi na niya naranasan ang kamatayan. "Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya'y kinuha ng Diyos." Sapagkat bago siya dinalang paitaas, pinatotohanan na ang Diyos ay nalugod sa kanya." (Heb. 11:5) Ang Biblia 2001


Paano iniinterpret ng mga MCGI ang
verse na ito?


Ang isang MCGI dito na si Jonemer Tabian, mali daw yung conclusion ni Bro. Pancho Donor, na si Enoch ay hindi namatay and was translated to heaven. proof text dito ni Bro. Pancho ang Hebrews 11:5 para masuport ang translated beings. Joemer later requoted the verse and sinabi na "nakita" daw ang sinabi sa verse at hindi "nakaranas"


At bakit mali ang exegesis
na ito?


Unang-una, ang chapter 11 ng letter ni Paul sa mga Hebrews ay patungkol sa faith/pananampalataya (v. 1). ginamit dito ni Pablo ang mga halimbawa mula sa Lumang Tipan para iparating sa mga audiences na makakagawa ng kamangha-manghang bagay ang pananampalataya ng isang tao :


11:24 - Si Abel (Gen. 4:10)


11:7 - Si Noe (Gen. 8:13-20)


11:8-12 - Si Abraham at Sariah (Gen. 17:17; 21:2)


11:17-19 - Si Abraham (Gen. 22)


11:20 - Si Isaac (Gen. 27:28-40; 28:1-4)


11:21-22 - Si Jacob at si Jose (Gen. 49, 50)


11:23-29 - Si Moises (Ex. 1, 2, 12, 13, 14, 15)


11:5 - Enoch (Gen. 5:22-24)


Lahat ng mga ito sa context ng Hebrews 11 references from the Old Testament.


Ang nailipat at ang mga
translated beings


Isang mcgi din ang nagsabi na ang 'inilipat' daw sa Hebrews 11:5 ay nangangahulugan na inilipat si enoch ng Adress which is simply false. at itong si Joemer naman, says na 'nakakita daw at hindi 'nakatikim'. first, these two arguments against dito ay simply false dahil

1. gumamit si Pablo dito ng salitang griyego na ιδειν (Idein)


Ang Griyego ng talata ay :


Πίστει Ἑνὼχ μετετέθη τοῦ μὴ ἰδεῖν θάνατον, καὶ οὐχ ἡυρίσκετο διότι μετέθηκεν αὐτὸν ὁ θεός. πρὸ γὰρ τῆς μεταθέσεως μεμαρτύρηται εὐαρεστηκέναι τῷ θεῷ· (Heb. 11:5) Nestle-Aland 28


ἰδεῖν (idein) ang nagpapakita sa context, sa isang Aorist Active Infinitive na nasasalin na "to see", "to attend", "to meet", or "to experience". sa context ng talata na ito, pinopoint-out dito ni Pablo na siya ay 'translated' para hindi siya makakita/makaranas (ἰδεῖν) ng kamatayan. hindi niya titingnan ang kamatayan literally na eye to eye but para makaexperience.


"That he should not see death - That is, that he should not experience death, or be made personally acquainted with it. The word “taste” often occurs in the same sense. Heb. 2:9, “that he should taste death for every man;” compare Mt. 16:28; Mk. 9:1; Lk. 9:27." (Albert Barnes Notes On The Bible)

2. Sa story ng Genesis, lumakad si Enoch kasama ng Dios


Sa Genesis 5, na kung saan ito ay isang geanology from Adam hanggang sa mga Anak ni Noe, tanging si Enoch lang ang nairecoird na hindi namatay :


" Nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Matusalem. Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos, pagkatapos na maipanganak si Matusalem ng tatlong daang taon, at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae. At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at animnapu't limang taon. Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya'y kinuha ng Diyos." (Gen. 5:21-24)


Dinescribe dito ni Pablo kung what he meant nang sinabi niya na "nailipat" o "translated"; which means na kinuha siya paitaas ng Dios dahil sa kanyang testimony na naging pleasing sa Dios. mababasa natin sa Genesis 5 na si Enoch ay "lumakad" kasama ng Dios" (v. 24). ibang mga record ng mga translated beings ay nasa Biblia gaya ng si Elias na dinala paitaas sa langit na nakasakay ng isang Chariot of fire (2 Ha. 2:1-14). Their faith pleased God so God suggested na hindi muna sila makakaranas ng physical death. thats how the context works.

Popular Posts