My Personal Translation On Selected Passages In The Gospel Of John
My Personal Translation sa ilang verses sa Gospel of John with notes
Ang Ebanghelyo Ayon Kay
JUAN
KABANATA 1
Si JesuCristo ang Salita ng Diyos (v. 1-2)—ginawa niya ang lahat ng bagay at naging laman (v. 1-14)—Bininyagan siya ni Juan Bautista at pinatotohanan na Siya ang Kordero ng Diyos (v. 15-36)—Si Juan, Andreas, Simon, Felipe, at Nathanael ay sinunod si Jesus (v. 37-51)
1 NANG PASIMULA ay ang Salita° , at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos*
2 Ito ay kasama ng Diyos sa pasimula.3 ang lahat ng bagay ay naging gayon sa pamamagitan Niya, at walang nilikha ang nalikha kung Siya'y wala 4 at sa nasa kanya'y liwanang at ang liwanag ang siyang buhay ng mga tao. 5 Ang liwanag ay lumiliwanag sa kadiliman, at hindi ito nagapi ng kadiliman
6 may isang lalaking sinugo mula sa Diyos na nagngangalang Juan, 7 siya ay dumating bilang saksi, para magpatotoo patungkol sa liwanag, para sa pamamagitan niya'y sumampalataya ang lahat.
8 hindi siya ang liwanag, pero siya ang dumating para magpatotoo patungkol sa liwanag 9 ang liwanag, na siyang nagbibigay liwanag sa bawat isa, ay pumaparito sa mundo
Jn. 1:18
18 Wala pang nakaintindi ° kailanman sa Dios, ang Dios na tanging Anak + na nasa tabi° ng Ama, Siya ang nagpaliwanag sa Kanya +
Jn. 4:24
24 Ang Diyos ay espiritual° at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa espiritu't katotohanan +
Jn. 20:28-29
28 At sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Dios ko!" 29 at sinabi ni Jesus "dahil nakita mo ako, Tomas, Ikaw ay naniwala. mapalad ang mga hindi nakakita pero naniwala" +
1:1 ° Gr. - logos (λόγος) na nangangahulugang "self expression" na ginamit para kay JesuCristo. ang salitang logos ay ginamit ni Juan nang dahil sa isang kultura sa Helenista at sa mga Judio patungkol sa Salita bilang ang "divine reason" na nagbibigay ayos sa mundo at sa pamamagitan ng logos ay ginawa ang Mundo (cf Gen. 1:2; 2:3; Jn. 1:3; Col. 1:15-17; Heb. 1:3; 11:3). ine-express natin ang ating sarili sa pamamagitan ng ating mga salita. indeed, ang Ama sa Langit ay ineexpress ang kanyang sarili sa pamamagitan ni JesuCristo — Jn. 1:18; 3:16-17; 14:8-14; 18:37; 2 Cor. 4:4; Col. 1:15-18; Heb.1:1-3
1:1 * O "kung ano ang Diyos, ganon din ang Salita" (cf REB/NEB). ang Griyego ng talata ay Εν αρχή ην ο λόγος, και ο λόγος ην προς τον Θεόν, και Θεός ην ο λόγος (En arche en o logos, Kai o logos en pros ton Theon, kai Theos en o logos). ang Theos sa ikalawang pangungusap ay may definite article; ibig sabihin ay ito ang direct object, at ang ikatlong pangungusap—ang Theos ay walang definite article at nasa nominative case at nakalagay bago sa logos na nangahuhulugang ito ay isang paglalarawan sa logos—na ang ton Theon (Ama) at ang kai Theos (Anak) ay magkapareho ng likas — Jn. 20:28; Gw. 20:28; Fil. 2:5-11; Heb. 1:8-9; 2 Ped 1:1-11; 1 Jn. 5:20; Apoc. 21:6-7
1:18 °Gr. Εωρακεν (Eōraken) na ang kahulugan ay maaring Naiintindihan o nakita, ngunit sa konteksto ng talata ay tungkol sa pagpapaliwanag na pinakita ng sumunod na salitang Griyegong Εξηγησατο (Esegesato) na nangangahulugang "ipaliwanag" o "ipinahayag"
° O "dibdib", "kandungan". Gr. Κόλπος (Kolpos)
20:28 + Heb. 11:1
+ Sa ibang mss ay nakalagay ang "tanging Anak" (M text; TR) o "tanging Dios" (NU text : P75; Codex Vaticanus; Codex Sinaiticus)
4:24 ° Ang Griyego ay πνεύμα ο Θεός (pneuma o Theos) na kung saan ay Qualitative Nominative Predicate na nangangahulugang hindi ito tumutukoy sa pisikal na komposisyon ngunit sa mga qualities o katangian ng Dios —Jn. 1:1c; 1 Jn. 1:5; 4:8
4:24 + Fil. 3:3

