Responding To Tunay na Lingkod (INC) : John 1:18

Nandito ang blog that i dont recommend worth reading http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/06/juan-118-si-cristo-ba-ay-dios.html


The article reads :


"Juan 1:18 “Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.”
Dito naman sa talatang ito, ganito ang kanilang sinasabi:

“Kita mo brod ang sabi, WALANG TAONG NAKAKITA KAILANMAN SA DIYOS, si Cristo ang nagpakilala sa kaniya. Eh maipapakilala ba niya ang Ama kung hindi niya nakita? At kung nakita niya ang Diyos, de hindi siya tao, kaya maliwanag na si Cristo ay Diyos.”

Mayroon po kaming nais ipapansin sa inyo, dito po ba sa talatang ito ay mababasa natin na nakita ni Cristo ang Diyos? Wala po tayong mababasang ganun, hindi po ba? Maaari din po natin silang hamunin na magpakita ng ibang talata na mababasa natin na nakita ni Cristo ang Diyos, at natitiyak namin na wala silang maipapakita sa inyo. Dahil kahit sa buong Biblia wala tayong mababasa na nakita ni Jesus ang Diyos. Bakit?

Colosas 1:15 “Na siya ang larawan ng DIOS NA DI NAKIKITA, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;”

Ang Diyos po ay hindi nakikita, kaya imposible na makita siya kahit ni Cristo. Kasama siya sa mga taong hindi nakakita sa Diyos. Eh ang tanong nga eh, Paano niya naipakilala eh hindi naman pala niya nakita?

Juan 12:49 “Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundiang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.”

Napakalinaw ng sagot ni Jesus, nagsasalita ang Diyos sa kaniya ng mga bagay na dapat niyang salitain, kaya sa ganitong paraan niya naipakilala ang Diyos at hindi dahil sa nakita niya kaya niya naipakilala. Maliwanag na siya’y inutusan ng Diyos na ipakilala siya:

Juan 17:25 “Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;”

Juan 17:26 “At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.”

Kaya nga nang ipakilala ni Cristo ang Diyos, ang ipinakilala ba niya ay ang kaniyang sarili? Basahin natin:

Juan 17:1 “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:”

Juan 17:3 “AT ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, NA IKAW AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

Ang Ama ang nag-iisang Tunay na Diyos sabi ng Panginoong Jesus, ganito niya Siya ipinakilala. Ang pagpapakilala sa tunay na Diyos ay ang pangunahing Misyon ni Cristo sa lupa.

Kaya gaya ng ibang talata, mali na naman sila dito ng pagkaunawa, at hindi kailanman nila magagamit ang mga talatang ito para patunayan na Diyos si Cristo."......."



Unang-una, ang griyego ng Juan 1:18 ay :


Θεὸν οὐδεὶς ἑώρακεν πώποτε· μονογενὴς θεὸς ὁ ὢν εἰς τὸν κόλπον τοῦ πατρὸς ἐκεῖνος ἐξηγήσατο. (Jn. 1:18) Nestle-Aland 28


Nagpapakita sa konteksto ng talata ang phrase na μονογενὴς θεὸς (monogenes Theos) na isang Nominative Masculine Singular; which is translated "The only Begotten Son." sa salin na Ang Biblia 2001, ang nababasa ay :



" Walang sinumang nakakita kailanman sa Diyos. Ang Diyos na tanging Anak na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya." (Jn. 1:18) Ang Biblia 2001


Sinabi ng admin ng TunaynalingkodINC, na maging si Jesucristo daw ay hindi nakakita sa Ama (dahil daw wala pang nakakita sa Dios); this is a clear misinterpretation of the scriptures. at the following phrases of the article, instead of proving na Jesus didn't saw God therefore he is not God (which is a false cause); He simply assumes na hindi daw God si Jesucristo dahil distinct daw siya sa Ama at ang Ama lang daw ang solo na Dios. is it?


Nakita ba ni Jesucristo ang Dios?

In a simple answer, Yes; for he pre-existed with God. Sinasabi sa atin ni Juan na He was in the beginning with God :


" Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa simula ay kasama na siya ng Diyos." (Jn. 1:1-2)

Sa unang bahagi ng talata ay "Sa simula ay ang Salita" na tumutukoy sa panahon ng paglikha (Gen. 1:1); in which in here ay si Jesus ay nasa pasimula palang at isa sa mga tagapaglikha ng daigdig na ito (v. 3; Col. 1:15-18; Heb. 1:3). Sa ikalawang bahagi ay "at ang Salita ay kasama ng Diyos". ang salitang griyego para sa salitang "kasama" ay πρός (pros). ang preposition na πρός ay hindi nag-iimply ng proximity kundi isang intimate relationship. Ito din ay nangangahulugan na “to be in company with someone”(1) or to be “face-to-face.” It speaks of communion, interaction, fellowship. Take note that this is an eternal fellowship, a timeless relationship. πρὸς with the accusative presents a plane of equality and intimacy, face to face with each other (2) (cf. Mt. 13:56; Mc. 6:3; 9:19; Gal. 1:18; 2 Jn. 1:12)

“Πρός…means more than μετά or παρά, and is regularly employed in expressing the presence of one person with another” - “The Gospel of St. John,” The Expositor’s Greek Testament, 1:684

Since ang Salita ( λόγος) ay may intimate relationship with God since sa pasimula palang; malamang nakita na niya ang Dios Ama (cf. Jn. 17:5, 24)


Si Cristo ay ang larawan ng Dios

" Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan," (Heb. 1:3)

"..........Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Paano mong nasabi, 'Ipakita mo sa amin ang Ama?'" (Juan 14:9)


Si Jesucristo bilang ang image ng Dios ay nirerepresenta niya ang eksaktong anyo at kaluwalhatian ng Dios. means si Jesus ang exact representation ng appearance at glory ng Ama (Jn. 14:9; 2 Cor. 4:4; Fil. 2:5-11; Col. 1:15-17; Heb. 1:1-3)

Sinasabi ba talaga ng Juan 1:18 na wala pa talagang nakakita sa Dios?

Unang-una, may mga instances sa Biblia na may mga taong nakakita na sa Dios (Ang Ama) at sa Dios Anak; kagaya ni Esteban na nakita niya ang Dios Ama at si Jesucristo (Gw. 7:55-56), si Moses na sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya ay nakausap niya ang Dios ng mukhaan; na sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya ay nakita niya "ang hindi nakikita" (Ex. 33:11; Heb. 11:23-28), si Jacob/Israel na pinangalanan ang isang lugar na Peniel dahil kanyang nakita ang Dios nang "mukhaan" (Gen. 32:10), at madami pang iba.

" As for John 1:18, the text is not stating that no one has ever seen God the Father; instead, it means that no one has fully grasped/seized him. This is not the perspective of Latter-day Saints merely, but even Trinitarian commentators." - Robert Boylan

Nagpapakita sa konteksto ng greek ng John 1:18 ang term na  ἑώρακεν (ewraken). Sa kanyang Commentary sa Juan 1:18, isinulat ni Adam Clarke na :

" No man hath seen God at any time - Moses and others heard his voice, and saw the cloud and the fire, which were the symbols of his presence; but such a manifestation of God as had now taken place, in the person of Jesus Christ, had never before been exhibited to the world. It is likely that the word seen, here, is put for known, as in John 3:32; 1 John 3:2, 1 John 3:6, and 3 John 1:11; and this sense the latter clause of the verse seems to require: - No man, how highly soever favored, hath fully known God, at any time, in any nation or age; the only begotten Son, (see on John 1:14; (note)), who is in the bosom of the Father, who was intimately acquainted with all the counsels of the Most High, he hath declared him, εξηγησατο, hath announced the Divine oracles unto men; for in this sense the word is used by the best Greek writers."

At sinasabi ng ilan na maaring makita ng mga tao ang Dios in a limited way :


" Surely it is not possible for us to comprehend the nature of God. Consequently, the Bible speaks of our inability to “see” God (e.g., John 1:18; 1 Tim. 6:16). On the other hand, some individuals are privileged to “see” God, at least in a “dark cloud” or by way of some visible appearance that God may temporarily assume, sometimes called a theophany. To complicate matters further, our heavenly hope is to “see God” (Matt. 5:8). If we seek to harmonize these various ideas, we are pushed to grant that, in some meaningful sense, humans have been given insight into God’s nature but that this insight must be qualified as far short of a full grasp of the infinite God. Our hope is that the limited knowledge we now have of God will be far surpassed in the life to come. In light of these distinctions, it is possible to say some men have “seen” (i.e., partial insight) God but, at the same time, none have “seen” (i.e., full comprehension) God." (Mark A. McNeil, All in the Name: How the Bible Led Me to Faith in the Trinity and the Catholic Church [El Cajon, Calif.: Catholic Answers Press, 2018], 42-43, italics in original)

Si Matthew Poole, isang 17th century Theologian, commented the following :


18 No man hath seen God at any time; the only begotten Son which is in the bosom of the Father, he hath declared him.

No man hath seen God at any time; no man hath at any time seen the essence of God with his eyes, John iv. 24; nor with the eyes of his mind understood the whole counsel and will of God, Matt. xi. 27; Rom. xi. 34. Moses indeed saw the image and representation of God., and had a more familiar converse with God than others; upon which account he is said to have talked with God face to face; Numb. xii, 7. 8. God saith he would speak unto him mouth to mouth, even apparently; but he tells us how in the same verse, and the similitude of the Lord shall he behold; and God, who had spoken to the same sense, Exod. xxxiii. 11, saith verse 20, Thou canst not see my face; for there shall no man see me, and live. Now to whom he did not discover his face, he certainly did not discover all his secret counsels. The only begotten Son, which is in the bosom of the Father; but he who is the only begotten and beloved Son, hath such an intimate communion with him in his nature, and such a free communication of all his counsels, as it may be said, he is continually in his bosom. He hath declared him; hath declared him, not only as a prophet declareth the mind and will of God, but as the heavens declare the glory of God, and the firmament showeth his handy-work, Psal. xix. 1; being the brightness of his Father’s glory, and the express image of his person, Heb. i.3. So as the Father can only be seen in his Son; nor is so full a revelation of the Father’s will to be expected from any, as from the Son. (Matthew Poole, A Commentary on the Holy Bible, volume 3: The New Testament [1685; repr., Edinburgh: The Banner of Truth Trust, 1963, 1990], 280, emphasis in bold added)






Popular Posts